* Balik ka dito+ Recent Entries+ Ask+ Submit+ Facebook+ Credits*
CREDITS

CAPRICORN

The Passionate Lover (December 22 to January 19) Love to bust. Nice. Sassy. Intelligent. Sexy. Grouchy at times and annoying to some. Lazy and love to take it easy, but when they find a job or something they like to do they put their all into it. Proud, understanding and sweet. Irresistible. Loves being in long relationships. Great talker. Always gets what he or she wants. Cool. Loves to win against other signs in sports, especially Gemini's. Likes to cook but would rather go out To eat at good restaurants. Extremely fun. Loves to joke. Smart.

Dae ko darating na pasalubong :) egzoited na…. lalo na sa stuff toy na yun >.<

Pinagpahinga na nya ko.. almost 2 hours lang kame nagchat T_T gusto ko sana tumutol kaya lang eto na naman. Alam ko na kung ano ang gagawin nya… Maglalaro na naman sya. T_T Wala kasi kame mapagusapan. Nararamdaman ko kating kati na kamay nya paglalaro kahit di nya sabihin…kaya eto ako tumblr nalang takbuhan Y_Y  ang lungkot ih..

Selos…

Naiinis na naman ako :( Nararamdaman ko na magkaskype nga kame pero wala nman sakin atensyon nya, pag naririnig ko na panay ang type nya sa key board sasabayan ko nalang din ng paglalaro ng mga games sa facebook dahil alam ko naman ka-chat na naman nya o nagpapalitan na naman sila ng mga comment ng kalaro nya hay…

Pano kaya kung pasukin ko ang mundo nya? Siguro mas maiintindihan ko sya. Lagi ko naiisip na sana marunog din akong maglaro nun para kahit na magkachat kame eh parehas namin naeenjoy ang bawat oras. Para sana ako nalang din yung lagi niya pini pm pagkatapos magwork, bago matulog at paggising nya sa umaga. Kung marunong lang siguro ako nun malamang isa na ko sa mga astig na girlfriend na makikilala nyo. Naiingit ako sa mga babaeng kayang makipagsabayan ng paglalaro ng mga online games sa mga kalalakihan. Nasa isip ko din lagi yung ugre na gusto ko matututo nun.

May mga oras para sa libangan, kaya lang bakit ganun? nararamdaman ko na parang ang libangan na yun ay sumisingit sa mga oras na dapat ay para sakin lang? :( Siguro nagseselos lang ako sa mga online games na yun at sa mga taong nakakapagpasaya sa kanya. Madamot ba ko? Magtatampo na naman ba ako? O dapat patuloy ko siyang intindihin sa mga bagay na di naman nya sinasadyang gawin at iparamdam sakin? Nasabi ko na noon pa na di ko na sya pakikialaman sa libangan nya pero ano bang dapat kong gawin kung ganitong nagseselos ako? :(

Mahirap iopen yung mga bagay na alam mong pagtatalunan nyo lang. Mahirap para sa tulad ko na humanap ng salita para depensahan ang sarili ko lalong lalo na’t hindi ko alam kung tama o mali ako, dahil alam ko para sa iba maliit na bagay lang ang ipinuputok ng butse ko. Maliit na bagay kumpara sa mga kasalanang nagagawa ng ibang boyfriend sa girlfriend nila.

Habang sinusulat ko ito naiisip ko na kung paano kaya kung ako ang nasa sitwasyon nya na nasa ibang bansa, malayo sa mga mahal sa buhay, magisa sa kwartong tinutuluyan, walang kasamang mga pinoy  sa trabaho, tuwing araw ng biyernes lang nakakakita ng kapamilya at nakakapamasyal eh hindi ka ba maghahanap ng libangan nun? At kung wala man kami mapagusapan masama bang isingit ang mga kalaro nya sa oras ng pagchachat namin? NALILITO AKO :(

Marahil pagtatawanan ako ng kung sino mang mapagkukuwentuhan ko nito kaya mas minabuti ko nalang na pagtawanan ako ng mga taong makakabasa nito tutal hindi nyo naman ako kilala.

ho ho! i love NU… i love lady bulldogs!!

ang ganda-ganda-ganda ng games.!
sumakit lalamunan ko kakacheer hehe, lalo na siguro kung live ko napanuod wahhhh..! galing talaga ni dindin at ni mayla..!

hay…

torpengromantiko replied to your photo: Ok na sana ang lahat.. first meet up ng mga…

sinong babae?haha

hehe yung sijenangwalangmalay ba yun

41st Months <3

Nung highschool ako lagi ko iniisip kung hanggang kailan kaya kame magtatagal ng magiging boyfriend ko. Naisip ko kasi ang galing naman nung ibang couples, nagtatagal sila ng taon. Laging tanong ng utak ko bakit kaya sila nagtatagal ng ganun? hindi ba sila nagsasawa sa isa’t-isa? Siguro noon para sa isang batang high school matagal na 6 na buwan na pakikipagrelasyon.

Nagdaan pa ang mga panahon may mga taong dumating din sa buhay ko, 8 months ang pinakamatagal. Ngayon may mas tumagal pa 3 years and 6 months pa. Ako na rin pala mismo ang makakasagot sa tanong ko nung high school pa ko. Kaya pala nagtatagal ang relasyon ng mga couples eh dahil mahal nila ang isa’t- isa. Pag pala mahal nila ang isa’t-isa meron na silang kakayahang ipaglaban at pahalagahan ang pagsasama nila. Hindi din pala nakakasawa ang isang relasyon kahit abutin pa ng ilang taon dahil habang tumatagal pala mas lalo pang sumasaya. Minsan nga hindi mo namamalayan na matagal narin pala kayo dahil sa tuwing magkasama kayo andun yung feeling na parang bago lang ang lahat.

Ngayon nga di ko namalayan 41 months na pala kami. 6 months na din pala kaming di magkasama. Masaya dahil tumagal kami ng ganitong katagal, pero malungkot din dahil 6 months na pala kamng malayo sa isa’t-isa. Napansin ko din lahat ng pagbabagong nagaganap sa buhay ko.

Gaya ng picture na to….

May mga lugar na gusto ko ulit puntahan na sana eh kasama ko sya. Kanina ko lang nakita habang natingin ako sa mga albums ko sa fb. Kumpleto, Same place, same spot, andun ako may kuha kami sa lugar na yun pero sa 2013 pics wala yung taong gusto ko sanang kasama :( hahayy daming lungkot.

  • Kung dati din sipag na sipag akong pumasok sa trabaho, ngayon paggising palang sa umaga tinatamad na ko. Pano? wala na naman magaantay sakin para ihatid ako.
  • Kung dati gustong gusto ko na umawas agad, ngayon gustong gusto ko na mag stay sa trabaho para paguwi ko sana gabi na. Wala na naman kasi ako aantaying dumalaw sa bahay.
  • Kung dati gustong gusto ko lagi nakain ng kung ano anong mabibili sa plaza, ngayon parang fasting lagi ako. Wala na naman kasi ako makakasalo at wala ng manlilibre sakin kahit ano pang pagkain gusto ko :(
  • Kung dati gustong gustong magswimming at sumama sa inuman nila pagodnasinene, ngayon walang kabuhay buhay na sasagot ako ng “hindi ako pwede”. Wala na naman kasi ako pupulitanin eh este lalambingin pala sa inuman. Wala ng magaalaga sakin pag kunwari nahihilo na ko hehe.
  • Kung dati gusto ko maglakwatsa at mapunta kung saan saan, nayon mas gusto ko ng magsimba at matulog maghapon. Wala na naman kasi ako kasama pamamasyal, wala na din naman akong masasakyan motor na may driver tulad ng by ko :)
  • Kung dati di ako makakaalis ng walang unting make up, ngayon kahit polbo lang ipahid ko ayos na. Wala na naman kasi ako pag papagandahan. Pero pag schedule na magchachat kame saka nalang ulit ako nagpapaganda.

Hay sobrang miss ko na by ko :( OA na ba ko masyado? Pwes wala kang pakialam sa nararamdaman ko feel ko magdrama ngayon ih dahil 41st months namin ngayon ok..

BY PARA SAYO TO’

(Happy 41st months sobrang mahal na mahal kita. sorry kung this past few weeks eh lagi akong nakasimangot, (naramdaman mo ba yub by? hehe) alam mo naman may pinagdadaanan ako. Sorry ulit by.. miss na miss na din kita.. I LOVE YOU SO MUCH <3

very like ko talaga mga video nito :)

lloydcadena:

image

Ganito itsura ng by ko nung nagbasa siya ng mga blog-blog-an ko. Nakakatuwa sana kung ganitong expression makikita mo sa mga mata ng mga readers kuno (kung meron man) ng blog mo.

Kahit gaano man kapanget mga post ko alam ko may isang tao na matutuwa at maaliw magbasa ng mga ideya at kuwento na isha-share ko sa mga susunod na araw.

Ganito itsura ng by ko nung nagbasa siya ng mga blog-blog-an ko. Nakakatuwa sana kung ganitong expression makikita mo sa mga mata ng mga readers kuno (kung meron man) ng blog mo.

Kahit gaano man kapanget mga post ko alam ko may isang tao na matutuwa at maaliw magbasa ng mga ideya at kuwento na isha-share ko sa mga susunod na araw.

ni-like mo pa talaga ha? bigyan ng jacket! haha

ni-like mo pa talaga ha? bigyan ng jacket! haha




Older